poetry, Uncategorized

Nakakapagod rin pala.

Nakakapagod rin pala.

Ang nakakabinging katahimikan.

Sa tuwing nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan.

Hindi magiimikan.

Hindi magkatinginan.

Ipinapasa ang dapat sa iyo’y siyang sinasabi na.

Nabubuhol ang mga salitang hindi maibulong.

Yumuyuko; tumitingin sa ibang direksyon.

Nakakapagod rin pala.

Iyong maghintay sa hindi naman darating na.

Sa palaging pagtanong kung ‘nasaan ka na?’

O kung bakit ‘wala ka pa?’

At sa puntong susuko ka na;

Kakaantay sa mga pangakong walang natupad ni isa.

Sa pagantay masambit ang salitang ‘sorry’.

At sa mga bagay na hindi na mangyayari pa.

Nakakapagod rin pala.

Ang magmahal ng paulit-ulit.

Na hanggang ngayon ay siyang ipinipilit.

Umiibig ng tahimik.

Umiibig ng mata’y nakapikit.

Umiibig ng walang hinihinging kapalit.

Umiibig ng hindi sinasadya.

Ngunit sa huli’y masasaktan ng pag-aakala.

Nakakapagod rin pala.

Ang mga bagay na sa imahinasyon lamang masaya.

Na akala’y makakapagantay pa.

Sa huli ay masasambit na mahal kita.

Ngunit hindi kayang ikaw ay makasama.

Pipikit at pagkaraan ng ilang segundo’y pipikit muli.

Ititikom ang bibig.

Ititikom nalang hanggang huli.

Advertisements
poetry, Uncategorized

Regrets.

The thing I regret the most.
It was the precious moments I have never spent.
The time I never thought of making it special.
The moment you were there.
And the time I was lost.
The thing I regret the most;
Was the effort I have exerted.
All the pain and tears I never speak up.
The effort it was be,
And hopeless I am still.
The dream that shattered into pieces.
Of flying colors above the sky.
It was the thing I regret the most.
You were there.
And I was here.
I looked at you like how I thought of being with you.
The dream I felt was so real.
It will all end with regrets and tears.

Personal, Uncategorized

Huwag ka ng malungkot.

Sa pagpikit ng aking mga mata, ikaw agad ang una kong nakikita.

Ikaw na batang hindi marunong mangusap, gumuhit o maglakad. Ikaw na batang nakikita ko sa tuwing mata ko ay ipipikit, umiiyak sa tuwing nadadapa, naagawan ng kendi, at inaasar ng mga mas matatanda sa kanya.

Kung kaya ko lang pawiin ang sakit na iyong nadarama ay ginawa ko na. Gusto kitang yakapin, hagkan, tignan sa mata hanggang hindi ko na kaya. Iyong kamay mo na nagbigay sigla, kulay sa lahat ng mga bagay sa paligid ay siyang nagbigay liwanag sa lahat.

Alam kong walang papantay sa pagmamahal ng isang ina. Masakit mawalan, masakit ang hindi mahagkan ang taong bukod tangi sa lahat. Walang bagay na hihigit sa kanya. Ngunit walang bagay ang maaaring makapagpabali sa kanya.

Hiling ko na sana ay mawala na ang sakit na iyong nadarama. Hindi lang ikaw kundi ang ama mong laging nandyan para sa iyo at ang kuya mong matigas rin ang ulo. Sana’y makita mo na may mga tao pang pinahahalagahan ang bawat oras na kasama ka, at sana’y ganun rin sila. Huwag mong hayaang magsisisi ka muli sa huli dahil sa mga bagay na hindi mo nagawa ngayon. narito pa sila. Narito pa kami para sa iyo. Lubos ka naming ipinagmamalaki at alam kong ipinagmamalaki ka rin niya higit pa sa amin. Sa kung hindi mo man naipamalas kung gaano mo siya kamahal ay alam kong hindi siya nagalit sa iyo bagkus ay mas lalo ka pa niyang minahal.

Ikaw ang nagbigay kulay sa lahat ng nais kong makamit. Nagpapasalamat ako at ginawa ka niyang ganyan. Maliit ka man pero malaki ang iyong pagmamahal. Isa ka sa taong pinapahalagahan ko.

Huwag ka ng malungkot, hinihiling kong sana dumating ang panahon kung saan makakalaya ka rin sa sakit na dinadala mo.

poetry, Uncategorized

Sa Aking Sarili

Sa Aking Sarili

Para sa mga gabing kapi ang kapiling,

Sa’twing sa ibang bahay na dumarating,

Para sa mga unan na hindi makapiling,

Darating ang panahong makakatulog ka rin ng mahimbing.

Para sa mga araw na walang tulog at pahinga,

Sa bawat puyat at pagsigaw ng ‘hindi ko na kaya’,

At sa bawat pagsubok; bumabangon kang tuwina,

Makikita mong sa huli ay magbubunga.

Para sa mga taong pilit kang ibinabababa,

Sa mga humahadlang sa ‘yong ngiti’t pagtawa,

Sa mga taong may kulang sa pagunawa,

Hayaan mo’t darating ang araw ay makakaintindi rin sila.

Para sa mga kaibigan mong sinamahan ka hanngang dulo,

Sa taong tumulong; nagbigay ng ideya para sa ‘thesis’ mo,

At sa magulang mong handang ilaan ang lahat para sa iyo,

‘wag mong kalimutang magpasalamat at sa Lord ng buong buo.

Para sa pangarap mong makagawa ng pelikula,

O para sa kagustuhang magsulat ng kwento’t iba pa,

Sa pangarap na lumipad at maglakbay ng masaya,

Gawin itong sandigan upang ika’y maging malaya.

Hindi man matupad iyong pangarap na umakyat

Sa entabladong nakatoga na may ginto o pilak,

Marami mang gusto ang hindi natupad,

Huwag mangamba’t  may dahilan ang lahat.