poetry, Uncategorized

PAGLAYA

PAGLAYA

 

Minsa’y may nagsabi sa akin

Na hindi ka makakagawa ng isang tula

Kung hindi mo pa nararanasang masaktan.

Umibig ng lubos; masaktan ng higit pa sa inilaan.

Magmahal ng sobra; masugatan ng labis – labis.

Kaya naman ako’y napaisip; nagbalik.

Ni hindi ko na mabilang sa aking palad

Kung ilang letra na nga ba ang aking naisulat,

Ilang taludtod na nga ba ang aking nabuo,

Ilang magkakatunog sa dulo ang iniwasto,

At ilang tula na nga ba ang aking nagawa para sa iyo.

Ngunit ni isa rito walang nakarating; walang inilipad.

Kaya marahil dito ko na wawakasan; bibigyang katapusan.

At nanunumpang ito na ang huli at hindi na muling magsisisi.

Mahal ko, ngayon ay papalayain ko na ang sarili ko.

Lalaya na parang ibon sa himpapawid na ngayon lang nakalipad.

Na parang isda sa kanal at natutong lumangoy sa kawalan.

Aalis na sa nakalipas; ibabaon sa limot ang nakaraan.

Sisibol na parang walang sugat na natamo sa kahapon.

At hindi na muling magtatangkang bumalik sa hindi paroroon.

Mahal ko, pagkat masyadong masakit na.

Na ang buwan at araw ay hinding hindi na magtatagpo, sinta.

Ang itim ay hindi magiging puti;

Ngunit ang puti ay magiging itim.

At hindi lahat ng kulay ay magiging tugma.

Lubos kitang minahal.

Lubos rin akong nasaktan.

Ngunit walang may kasalanan.

Walang may alam na sa ganito pala ang kahahantungan.

Na ang akala’y bisig mo’y yakap ko na; ngunit hindi pala.

Na akala’y maaari na tayong dalawa; ngunit ako’y nagkamali, sinta.

Ikaw iyong klase ng taong hindi ko inaasahan.

Iyong taong hindi kailanma’y sumagi sa aking isipan.

Bakit may mga taong binibigyan tayo ng halaga

Ngunit hindi pala talaga?

Bakit may mga taong lubos tayong pinapaasa?

Siguro nga’y tayo lamang ang umaasa at nagpapakatanga.

Sabi nga nila’y

Hindi naman bulag ang pag-ibig

Bagkus ay siyang nakakakita

Ngunit ang mag – isip ng tama’y hindi nito magawa.

Nagkamali tayo.

Minsa’y naisip ko;

Kung sa paggawa ba ng tula’y makakalimot ako?

O mas lalo ko lang pinahihirapan ang sarili ko?

Na minsa’y naitanong ko sa sarili,

Sa paglaya ko bang ito, lahat ba’y lilimutin rin

Ang mga ala – alang kagaya ng nangyari kahapon?

Sa paglimot ko ba’y kasama sila sa pagbaon?

At sa pagbaon ko ba’y mukha mo’y hindi na siya ang bubungad sa umaga ko?

Ganoon ba kasakit?

Na daang salita na ang aking nabanggit

Subalit kulang pa para ipaalam ang aking mga hinanakit.

Ngunit huwag mong isiping ito’y isang makasariling tula.

Dahil nais kong ipabatid na sa kabila ng sakit ako’y naging masaya.

At siguro nga’y maituturing akong isang masokista.

Natutong lumipad; mangusap; magkulay ng walang pagaalinlangan.

Natutong mangarap na kasing taas ng mga bituin sa kalangitan.

Natutong maging masaya sa tuwing ako’y nakakasabay sa mga tawa mong kakaiba.

Natutong mag-isip; mangialam; ipaglaban ang nais ipadama.

Natutong kumilala; kahalagahang hinahanap ay nakita.

Natutong kumilos; sumayaw; makipaglaro sa gusto ng tadhana.

At natutong mahalin ang sarili higit pa sa iyo, sinta.

Minahal kita. Mahal kita. Pero ako’y lalaya na.

Aalis na sa lugar na pinahalagahan ko ng sobra.

Tama na ang mahigit isang taong lungkot at sayang nadama .

Ang nais ko’y maging maligaya ng walang iniisip na iba.

Pero tandaan mo,

Na sa paglaya ko ay papahalagahan parin kita.

Na gaya ng pag – aalaga ko sa mga gamit kong kwintas at porselana.

At kung iniisip mong mahal pa kita.

Hindi na.

Palayain mo na rin ang isip mong puno ng mga tamang hinala.

Ang paggawa ng tula, bagkus masakit ay dapat maganda.

Hindi puno ng tinik na makakasugat sa puso ng isang mambabasa.

Salamat ng marami.

Salamat sa iyo, sinta.

Ang tula ko’y papalayain ko na.

Advertisements

3 thoughts on “PAGLAYA”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s