poetry, Uncategorized

PARU – PARO

 

PARU – PARO

 

Sa huling pagkakataon, nagtama ang aming mga mata.

Tumigil ang sandali nang hindi ko inakala.

Na para bang may gustong sabihin sa isa’t isa,

At nangungusap na huwag nang umiwas pa.

 

Hinuli mo ang paru-parong nakadapo sa iyong palad.

Ginising sa hapon na tila ay umaga ang nakasalubong.

Binigyan buhay, init, at kilig ang kalamigan.

Na noong dumampi sa pisngi ang kahapon ay nakalimutan.

 

Sa dami ng nakabihis nang magarbo at nakapomado,

Sa iyo unang napukaw ang tingin sa akin ay bago.

At sa unang pagkakataon, nagtama ang ating mga mata.

Nangusap ang ating mga puso at ika’y nakilala.

 

Lumipad ako ng malaya gaya ng paru-paro.

At sa huli ay nabihag mo parin ako.

Pinilit muling bumalik mula sa pagkauod.

Ngunit nagsugat lamang ang mga pakpak nang aking puso.

 

Ngayon nga’y sa huling pagkakataon, hinuli mo ang mga mata ko.

At ito’y nakatuon lamang sa mga tingin mong hindi maanino.

Gusto kong yapusin; halikan ang iyong mga pisngi.

Na gaya nang una mong pinaramdam sa akin.

Advertisements
poetry, Uncategorized

Patingin-tingin ni DAB

Patingin-tingin

Pangiti-ngiti, pangisi-ngisi

Wala kang maririnig

Tikom ang bibig, tinutulak ng dibdib

Kislap ng mata, sa iyo lang nakatinign.

 

Mata’y inililibot, isip ay umiikot

Nagkakalapit, nagkakalayo

May mga salitang pilit ipinapasok

Kwentuhang wag sana matapos.

 

Lingon sa gilid, kapit sa dibdib

Pikit matang nararamdaman ang sakit

Tikom ang bibig, walang masabi

Inggit na sa mata’y namumutawi.

 

Patingin-tingin, palingon-lingon

Tahimik lang na nanonood

Huwag sanang magalit, huwag sanang itikom

Hayaang pagbigyang kumatok sa iyong puso.