prose, Uncategorized

Sonnet 90

SONNET 90 BY SHAKESPEARE
(Sonnet 90 of DABanigoos)

Then hate me when thou wilt, if ever, now,

Now while the world is bent my deeds to cross;

So hate me when you want to, but if you’re ever going to, do it now, now while the world is determined to frustrate everything I try to do.

Babangon ka nalang isang araw, wala na. Wala na yung spark na naramdaman mo noong una mong nahawakan ang mga kamay niyang mas malaki sayo. Wala na rin yung abnormal heartbeat na nararamdaman mo pag dumarating siya. Wala na yung mga effects na slow motion pagka kayo ay nagkakasama.

Wala na.

Wala na sayo yung mga asaran niyong sa huli magkakapikunan at sa pinakahuli ay magkakaroon ng yayaan. Wala ng halaga sayo ang ngiti na kala mo’y para sa iyo lamang. Wala na yung malicious thinking mo tuwing nagkakabanggaan ang inyong mga kamay, daliri, o kasu – kasuhan.

Ngayon ay nakikita mo na lamang ang sarili mo na tumatawa sa bawat jokes niya, pero hindi ka na kinikilig pa. Bakit? Hindi ko rin alam kung bakit isang araw eh maglalaho ang lahat. Hindi natin alam kung paano nagawa ng isang araw, nagawa ng isang tulog na baguhin ang takbo ng ating pagiisip.

Eh, kung ganoon lang pala kadali mawala ang lahat, bakit kailangan pa nating pagdaanan ang mga masasakit na moving on bago natin lubusang maalis sa isip natin ang taong minahal natin ng lubusan?

Nawala nga ba? O mayroon pa ring natitira? Hindi natin alam, hindi natin mabigyan ng tamang eksplenasyon ang nangyari sa atin.

Ang alam lang natin, gusto nating makita ang sarili natin na wala na yung border pag nakakasama mo siya.

Join with the spite of fortune, make me bow,

And do not drop in for an after-loss:

Add to my misfortune, make me collapse under it, don’t hit me with this later, after I’ve already endured so many other blows.

Ay hindi.

Siguro ay sadyang tumitigil lang ang puso nating magmahal pag alam nating sobra na tayong nasasaktan.

Gaano nga ba kasakit ang nagawa mo para humantong sa ganito?

Bakit dumadating sa punto na ang tao ay nagdedesisyong iwanan ang taong mahal nila. Bakit may mga taong nagagawang iwanan ang lahat ng mga memories na nangyari sa kanilang dalawa gayung parehas naman silang naging masaya?

Bakit may mga taong sobrang nag regret na naging sila? O sobrang nag-regret ng iwanan sila? Bakit naimbento ang nasa huli ang pagsisi? Hindi ba pwedeng magsisi habang nasa kalagitnaan? Hindi ba pwedeng sa umpisa palang ay magsisi ka na ng sa huli ay wala ng regret? Bakit may mga feelings na bigla nalang mawawala?

At ikaw nalang, ikaw nalang yung naiwan sa ere.

Ah, do not, when my heart hath ‘scaped this sorrow,

Come in the rearward of a conquered woe.

Ah, do not let me think I’ve avoided the sorrow of losing you, then come and reject me—right after I’ve been defeated by another grief.

Wala na.

Wala na nga ba talaga? Wala na nga bang yung sakit na nararamdaman mo pag nakikita mong may kasama siyang iba? O may katawanan siyang iba?

Wala na.

O sadyang gusto lang nating takasan ang katotohanan. Na minsan talaga sa isang buhay ay hinding -hindi ka magagawang lingunin ng taong mahal mo. Hindi dahil may stiff – neck siya, dahil ano pa bang silbi ng paglingon niya kung nasa harap naman na niya ang taong mahal niya? At hindi ikaw yon. Ibang tao. Ibang iba sa inaakala mo. Ibang iba sayo.

Wala na yung pagmamahal na inaasam – asam mo.

Hindi na nakarating sayo. Hindi na rin maibabalik sayo.

Give not a windy night a rainy morrow,

To linger out a purposed overthrow.

Don’t turn my windy night into a rainy tomorrow, prolonging the defeat you intend to give me.

Bakit nga ba hindi narereciprocate ang effort natin? Bakit nga ba walang sukling bumabalik gayong sobra naman ang binayad natin?

Gahaman kasi ang tao. Corrupt.

Na pag may sobra ay ibubulsa. At hindi na nila iintindihan pa kung may maagrabyado sila, o may masasaktang iba.

Parang politician na nangangakong para sa inyo lahat ng platapormang ito, at heto tayo naniniwalang ibibigay sa atin iyon. Na alam naman nating hinding – hindi nila gagawin iyon.

Bakit ka ba nagbayad ng sobra?

Kung mula dito hanggang Caltex eh, kalahating kilometro lang pala ang layo mo. Hindi mo ba naisip na nasayang lang ang pera mo?

O dumating ba sa isip mo na sayang lang ang effort mo, ang pagod at hirap mo sa taong kelan man ay hindi mabibigay sayo ang hiling mo—na atleast man lang, mapansin ka ng taong mahal mo.

If thou wilt leave me, do not leave me last,

When other petty griefs have done their spite

If you’re going to leave me, don’t wait until the end, after other little sorrows have done their damage.

Ang hilig kasi natin sa shortcut. Gusto natin madalian. Gusto natin pag sinuyo tayo, oo agad. Hindi man lang tayo magpa – awa effect. Pag sinabi niya, in an instance, nandon ka agad. Akala natin sa ganitong paraan eh, mahuhulog na siya sayo, hindi pala.

Nawala na yung pasensya natin sa pag – ibig.

Nawala na yung halaga kung bakit tayo umiibig. Sabi nga ng iba, hindi naman talaga bulag ang pag – ibig, nakakakita ito, pero hindi marunong mag – isip. Hindi na natin alam kung ano ba ang pinagkaiba ng greatest love sa correct love. O kung tama ba o mali ang pagmamahal, kung tama ba na siya na ang mamahalin natin habang buhay.

Ang akala kasi natin, basta nagka – spark, eh siya na. Na akala nating lahat, pag may taong kapareho natin, o bagay sa atin ay siya na. PUSH lang ng push, nabangga ka na pala! Pero magpapatuloy ka parin kasi tanga ka.

Pagkatapos, saka lang darating ang realization.

Kesyo, bakit siya? Ang tanga – tanga ko at minahal kita! Bakit pa ko nagpalandi sayo kung may nilalandi ka naman palang iba?

Bakit patuloy parin kitang minamahal ngayon alam ko namang hinding hindi mo ako magagawang mahalin?

REALIZATION. BIG WORD.

Then it will just hit you, right in your amygdala. Iyon yung parte sa utak mo, sa may temporal lobe, na nagpa-process ng emotions mo, nandyan nakatira sila Joy, Sad, Fear, Anger at Disgust (if you know what I mean). At itong si hippocampus ay natigil na kakasend ng emotion sa utak mo dahil nagsawa na sa kaka – emote mo. Nagets mo ba? Kasi, science yan. Kung hindi, ay! wala ka na talagang pag – asa, kaya heto nagiging tanga ka sa love.

Going back.

Kailan ba tayo darating sa punto ng realization? Pag wala na ang lahat sa atin? Pag manhid na ang katawan at isip natin sa sakit?

Kailan nga ba darating yung isang araw na babangon tayong wala na.

Hanggang kailan tayo magmu – move on, if we are not moving on and we are still stuck on the same ground with him/her? Hindi ba nating kayang umalis sa nakaguhit na bilog sa paanan natin? Hindi ba natin kayang umalis at mag step forward? Bakit kailangan nating humugot ng humugot tungkol sa love? Bakit may mga taong sugatan parin kung alam naman natin na tayo ang nagkulang at hindi yung nang – iwan sa atin? Bakit may mga taong nasusugatan parin ngayong tayo lang naman ang gumagawa ng sakit sa ating mga sarili? Why hurt when nobody is hurting you at all?

Bakit hindi nating kayang kumawala sa sakit?

Bakit hindi na natin tapusin ito?

But in the onset come; so shall I taste

At first the very worst of fortune’s might;  

And other strains of woe, which now seem woe,  

Compared with loss of thee will not seem so.

Leave me at the beginning, so I experience the worst misfortune first. Then other hurtful things, which seem painful now, won’t seem so, compared with losing you.

Mahal mo.

Pero may mga bagay na dapat na tayong gumising sa lahat ng kahibangan natin. Na dapat ay marealize natin na itong pag – ibig na hinahangad natin ay hindi para sa atin.

Makuntento. Matuto.

Huwag ka ng magbayad ng sobra, o kulang. Wag ng maging tamad. Be patient and kind. Sabi nga sa paborito kong quote about love;

Love is patient, love is kind. It doesn’t envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others. it in not self – seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always, trusts, always hopes, and always perseveres.

Love never fails. But where there are prophecies, they will cease; where there are tongues, they will be stilled; where there is knowledge, it will pass away.

Ang hirap e – explain.

Pero sa pagkakaintindi ko ay, ang pag – ibig dapat nasa tama. Kung alam nating mali, umiwas na. Kung alam nating masisira na, ayusin. Kung alam nating may kahahantungan, dapat ay pagtibayin. Kung alam nating sugal ang pag – ibig, mag take risk—iyon ay kung alam nating sa huli ay ikaw ang magwawagi. Pero kung hindi, itigil mo na ang kalokohang iyan.

Bakit ka magmamahal ng taong hindi ka magawang sagutin ng simpleng oo at hindi? Bakit kailangan mong mag sakripisyo kung sa huli iba naman pala ang pasasalamatan niya?

Di bale na.

Hindi naman maikli ang buhay gaya ng sabi nila. Kaya lang umiikli ito ay dahil napupunta sa walang saysay ang kinahahantungan ng buhay natin. Mahaba ang buhay, mahaba pa ang panahon para makakilala ka ng taong karapat – dapat sayo.

Kung ang pag – ibig ay natagpuan mo na ngayon at alam mong siya na, wag mo ng pakawalan.

Pero ang lagi ko lamang sinasabi sa lahat, lalong lalo na sa sarili ko ay–bago mo mahalin ang iba ay matututo kang mahalin ang sarili mo. Sino na nga lang ba ang makakaunawa sa pagkatao mo maliban sa Diyos at sa bespren mong aning at mga magulang mong strict?

Wala na.

Gigising ka rin, isang umaga na mawawala na lahat. Na tatawa ka nalang sa mga korni niyang jokes pero hinding hindi ka na kikiligin pa.

Inshort, moved on. MOVE-D on.

Advertisements
prose, Uncategorized

Pagka Tinamaan Ka

 

Pagka Tinamaan Ka.

 

Sabi nila, pag binato ka ng bato, batuhin mo raw ng tinapay.

 

Eh, what if, hindi naman pala bato ang tumama sa iyo? Tinapay pa rin ba ang ibabalik mo rito? O ibabalik mo pa nga talaga?

 

What if hindi pala palaso ang dala ni Kupido, kung hindi bato? At ibinato iyon sa iyo para matauhan ka ng totoo? Si kupido nga ba talaga ang bumato? O baka naman tayo lang rin ang bumabato sa sarili natin?

 

Pagka tinamaan ka, tatamaan ka talaga.

 

Some people will not realize what they should have realized if they will not be hit. Literal nga ba? Hindi kasi natin alam minsan kung ano ba talaga itong dapat tumama sa atin bago pa tayo may marealize. Kakatukin ka pa ng konsensya mo kung oo o hindi ang dapat mong isagot.

 

Ang tao, kung minsan, hirap silang mataaman ng realization. Hirap silang tamaan ng katotohanan. Yung iba kasi ipipilit pa nila sa sarili nilang wala namang nangyari. Kumbaga kailangan uli nilang batuhin para mas matauhan pa lalo. O hindi kaya naman, kailangan mas solid pa sa bato ang ipukpok sa ulo nila. May iba kasi na, kahit anong gawin mong pagpapaintindi sa iba, wa-epek.

 

‘oy! Mahal kita! Naiintindihan mo ba ako?’

 

Naiintindihan kita. Alam kong naiintindihan ka rin niya, kaso talagang manhid siya. Tinamaan siya, pero hindi sa puso, sa tenga—at take note dalawa ang tenga ng tao, so—pasok sa sa kaliwa, labas sa kanan. Oo, napaka-solid ng pagkakabigkas mo ng ‘mahal kita’ pero hindi iyon ang makakapagsabing—pag tinamaan ka, tatamaan ka talaga. One hit only. No bread came back. Nothing came up to realization.

 

Bakit? Kasi manhid siya.

 

May dalawang mata, dalawang tenga, pandama, panbigkas ng mga salita, at may buhok siya—pero ang sense of all senses, wala siya. Wala sa bokabularyo niyang mahalin ka. Wala sa bokabularyo niyang batuhin ka ng tinapay. Ang mas matindi pa noon ay mas solid pa sa bato—mas solid pa sa kahit anong solid ang ibinato sayo.

 

Sorry.

 

Five letters—one word. Yun yung word after ng—THANK YOU, BUT—.

 

Sa tingin mo ba matatauhan siya? Sa tingin mo ba mare-realize niya rin kaya kung gaano mo siya kamahal?

 

What if—hindi pala ikaw ang taong nagpa-realize sa kanya ng sense of all senses, yung love? What if may iba na siyang binato ng tinapay? At take not—hindi pala niya binato kung hindi—ibinigay ng buong buo? What if nataaman na pala siya—pero hindi sa iyo?

 

Andaming what if’s sa utak mo. Ang daming tanong na gusto mong masagot kung bakit hindi ka magawang lingunin ng crush mo—kesyo baka may stiff neck at napako sa ibang direksyon? Ano nga ba talaga ang tumama sa ating lahat—at baka nalunon na ni Darna kaya naman wala ng maka-realize ng dapat marealize?

 

Pero bakit nga ba? Hindi kaya sa maling tao mo naibato ang dapat sa tamang tao mo ibabato?

 

What if—ikaw pala itong hindi pa talaga natatamaan ng totoo? At ngayon mo palang narerealize na hindi siya talaga ang dapat tamaan nito kung hindi sa iba? Yung sobrang lapit sa atin pero dahil sa iba napukaw ang ating tingin, hindi natin makita?

 

What if ikaw pala ang dapat maka-realize na –‘hoy! Andito ako, mahal kita at handa akong mahalin ka!’

 

But it takes a lot of time to see something so real.

 

poetry, Uncategorized

PARU – PARO

 

PARU – PARO

 

Sa huling pagkakataon, nagtama ang aming mga mata.

Tumigil ang sandali nang hindi ko inakala.

Na para bang may gustong sabihin sa isa’t isa,

At nangungusap na huwag nang umiwas pa.

 

Hinuli mo ang paru-parong nakadapo sa iyong palad.

Ginising sa hapon na tila ay umaga ang nakasalubong.

Binigyan buhay, init, at kilig ang kalamigan.

Na noong dumampi sa pisngi ang kahapon ay nakalimutan.

 

Sa dami ng nakabihis nang magarbo at nakapomado,

Sa iyo unang napukaw ang tingin sa akin ay bago.

At sa unang pagkakataon, nagtama ang ating mga mata.

Nangusap ang ating mga puso at ika’y nakilala.

 

Lumipad ako ng malaya gaya ng paru-paro.

At sa huli ay nabihag mo parin ako.

Pinilit muling bumalik mula sa pagkauod.

Ngunit nagsugat lamang ang mga pakpak nang aking puso.

 

Ngayon nga’y sa huling pagkakataon, hinuli mo ang mga mata ko.

At ito’y nakatuon lamang sa mga tingin mong hindi maanino.

Gusto kong yapusin; halikan ang iyong mga pisngi.

Na gaya nang una mong pinaramdam sa akin.